Wednesday, December 30, 2020

Last Wednesday 2020 at Rizal Day

 Kamusta. Matagal na rin pala akong di nakakapagsulat sa aking blog. Busy-busyhan tapos ang dami ring nangyari sa akin noong nobyembre at ngayong disyembre ngayong taon.

Una, may nakilala ako sa tinder (dating app) na nagngangalangang Joshua Anthony Ninalga. Sa una, hindi talaga akong interasado sa kanya kasi ang gusto ko lang naman sa dating app ay makapag-usap ng mga random stranger. Pero hindi talaga lovelife ang hinahanap ko don. Hanggang sa kinulit ako na kuhanin ang fb account ko tapos nagsimula na kaming mag-chat all day. At first, sinabi ko sa sarili ko na isa siya sa mga i-goghost ko kasi minsan, wala talagang tumatagal sa akin. I mean di siya tatagal kasi yung ugali ko may pagkamasungit tapos minsan bastos pa ko makipag-usap. Hanggang sa nagyaya siyang makipag-meet. Siguro mga 2 days after naming mag-chat, niyayaya na niya ako. Tapos ako tumanggi ako kasi syempre nakakatakot makipag-meet baka kung ano ang gawin sakin. 

So nagtagal ang pag-uusap namin ng 2 weeks ata at sinabi ko na rin sa kaibigan ko kung ime-meet ko ba si Joshua. So, ayun nakipagkita ako sa kanya tapos ang damit ko pa non parang pambahay lang. Shorts at tshirt lang at sandugo sandals haha. Siguro para ma-testing ko rin kung magkakagusto ba sakin ung lalaki despite na ganon ang pananamit ko haha. Tapos hanggang sa nasundan pa ang pakikipag-date ko kay Joshua. 

Kung ako tatanungin, yes. May chance siyang maging jowa ko pero syempre wag tayong maging marupok haha. Baka kasi iwanan ako or i-ghost ako. Tignan natin after 3 months. Sa ngayon kasi nakaka-isang buwan pa lang kami at kinikilala pa rin namin ang isa't isa. Pero kung iiwanan man ako non, okay lang naman kasi kaya ko ulit bumalik sa pagiging single haha. 

Kaya lang kasi ang problema ko sa lalaking un, medyo may pagkamalibog at kung ano-ano ang pinopost sa kanyang fb account. Pero kapag nagkikita naman kami non, maayos naman kausap at okay siyang kasama. Naguguluhan pa rin ako, hehe pero ipinapasa-Diyos ko na sana bumalik na siya sa Panginoon at sabay sana kaming mag-worship sa Kanya. Sana dumating kami sa puntong iyon. 

Naghahanda na pala kami para sa pagsalubong ng 2021. Sana sa taong ito, makapag-ipon pa ko ng pera at magkaroon ng sariling negosyo kasi gustong-gusto ko na magka-negosyo. Syempre ung kalusugan wag natin kakalimutan kasi hanggang ngayon pandemic pa rin at mukhang wala naman balak ang gobyerno sa suliranin na ito. At sana sa darating na taon, ay makilala ko nang husto ang Panginoon at makilala si the One. :) 

Ayun lang naman sa blog na ito.


Ps: Sana sikapin ko makapag-post pa ng blogs parang ginagawa kong online diary ito eh hahaha 


Friday, November 6, 2020

hello november

Hello November, 

Kahapon isang buwan na pala kami nung nagsimula kami ng online class. Biruin mo, naka-isang buwan na pala kami kaka-messenger classroom. 

Share ko lang yung gusto kong gawin sa sarili ko pero sa tingin ko di ko na magagawa dahil sa procastination ko. 

Sa mga nagdaang linggo, ang kinaaaliwan ko ung panunuod ko ng anime, so far ang pinakamaganda sakin ay yung wotakoi. Ang cute lang ng story, at the same time realistic kasi ung mga otaku, minsan napagkakamalang nerds kaya perfect ang anime na ito sa talagang otaku.

Speaking of that, dahil sa kakapanuod ng anime, parang na eencourage akong mag-youtube about sa pagrereview o reaction about anime. Di naman ako siguro after monetization pero for fun lang. Kaya lang kasi nakakapagod yung mag edit tapos video. Wala pa kong gamit. 

Pero mukhang di na naman matutuloy yan dahil sa procastination ko ung pagdodrawing ko nga walang improvement eh paano pa ung pagyoyoutube ko. 

Anyway, nawala na sa puso ko ung kdrama, masyadong hype ang lahat sa mga bagong labas. Siguro kapag kumalma na sila tsaka ulit ako manunuod. 

Lapit na pala ang Christmas and still may virus pa rin

November 6 2020
9:56 pm

Sunday, October 11, 2020

Di ako marunong mag-organize

 Dahil na-survive ko ang 1st week ng online classes. Deserve ko naman magpahinga ng weekend di ba? Kaya lang ang dami ko pa lang chechekan ng mga modules. Until now, may mga naghahabol pa din.

Sunday ngayon at umuulan. Masarap lang matulog at humilata buong maghapon kasi malamig. Pero napipilitan akong kumilos kasi kailangan akong tapusin katulad ng paggawa ng script at pagchecheck. 

Madaling bagay ang mga ito pero hirap na hirap pa rin ako? Siguro dahil hindi ako marunong mag-organize? 

Nag-visit ako ng website ng todoist.com tapos nag-quiz ako kung anong todoist ang bagay sa akin. Ang lumabas ay Eat your Frog. Search mo na lang kung ano yon.

Ayun na nga, pinag-aralan ko kung ano yung eat your frog na 'yan. Madali lang pero ang hirap pa rin. Kasi madali akong magsawa at mabagal akong kumilos? Madali akong ma-distract like minu-minuto mag-ffb ako, mag-iig ako, mag-titwitter ako. Tapos minsan nagwiwindow shopping ako sa Shopee. Ang hirap.

Ano bang magandang way para maging productive ako? Mag-quit na lang kaya ako? Hehe. 

October 11, 2020

4:54 PM

Tuesday, October 6, 2020

The struggle is real

 Magandang gabi. Ang oras natin ngayon ay 10:14 ng gabi sa ika-6 ng Oktubre taong 2020. Medyo mahaba-haba ang blog na ito kasi nitong mga nakaraang buwan at linggo ay busy-busyhan ako. Tsaka tinatamad na ko magsulat ng blog dahil may bago akong pinagkakaabalahan. Ang pagdo-drowing. Hobby ko lang siya na gusto kong i-improve sa sarili ko kaya nagpa-practice ako ng sketching. Ang ending, pangit pa rin ang mga drowings ko. 

Okay back to the original title. So ito na nga, the struggle is real ika nga nila dahil medyo nahihirapan ako sa online classes ngayon. Kung matatandaan, dapat nung August 24 ang opening pero dahil sa hindi pa handa ang departamento ng Edukasyon ay iniurong sa October 5. Nagsimula na kahapon kaya nag-adjust na ko ng body clock kasi ang start ng klase ay 7 ng umaga. Ang siste, 2 oras sa umaga at 2 oras sa hapon. So 4 na oras ang screen time ng mga bata sa online classes. Isa sa mga pinapagamit na platforms ngayon ay ang Fb Messenger para lahat ng mga bata ay makasabay kasi ang Messenger ay pwedeng maka-access ng data kahit wala kang load basta may signal ka. Na-try ko na yan pero medyo mabagal kapag wala ka talaga ng data at all. Kaya ang ending magpapa-load pa rin ang bata. 

Ngayon naka-second day na ko sa online classes at very struggle kasi di naman ako nagsasalita dito sa bahay at ayaw ko rin naman magsalita dahil ang iingay ng mga tao dito. Kaya ngayon ang tanging nagsasalita sa pagkaklase ay yung mga tunog ng keyboard. Jusko nagiging keyboard warrior na 'ko. Sana naman mag-lift na ang covid at makabalik na sa dating normal.

Makakaya ko bang lagpasan ang school year na ito? Ngayon pa lang ay nangangapa na ko though blessed din naman ako kasi di ako binibigyan ng mga matrabaho katulad ng module writing or broadcasting atleast nagkaroon ako ng time sa sarili ko to grow up. 

Siguro naman kakayanin ko ang school year. Pangalawang araw pa lang naman di ba? Malay natin maging isang taon na heheheh

So ayun lamang sa blog na ito.

October 6, 2020

10:36 PM

Monday, July 27, 2020

major throwback

First post ko ata 'to sa buwan ng Hulyo. Busy-busyhan ang peg ko kahit di naman talaga busy. Hakhak. So, ang nilalaman ng post na ito ay major throwback. May nakita kasi akong tweet sa twitter tapos kinompare niya yung sarili niya way back 2015 and now 2020. Ngayon, naisipan kong gawin 'yun. Pero kada year. Tska gusto ko rin matignan kung may nagbago ba sa hitsura ko after I graduated. Hakhak. Syempre, maiiba hitsura mo kasi may pera ka na. 

Na-realised ko din pala sa bawat picture na nakuha ko experiences din yung na-gain ko. 

Unang photo. Star City. 2015. May work na ata ako yan kaya lakas ng loob kong sumama sa friends ko mag-star city. Tska first time kong pumasok dyan sa buong buhay ko. Ferris wheel ata yan. And kinuhaan ako ni Liza Alejandro. Hihi. 
2nd photo. Star City ulit. 2016. Family Day yan ng sics tapos ang ganda ng camera ng co teacher ko na crush ko hihi. Kaya grab the opportunity ang peg ko kasi may pagka-dlsr hakhak. No braces pa 'ko yan. Ito na ata yung pinakamahabang hair ko? And first time ko mag-read ng prayer of the faithful sa misa ng sics. 
3rd photo. Xmas party. 2016. So December yan. November po ako nagpakabit ng braces kasi ang pangit ng ngipin ko sobra. May sama ng loob sa isa't isa kaya naghihiwalay sila. Tsaka medyo stress din ako dyan kasi may nangyari. Before that day na 'yan, nilagnat ako kasi ang lakas din magparinig ng mga co teachers ko dyan na super apekted ako. Kala mo naman ang tindi ng kasalanan ko. Lol. Pinilit kong pumasok yan para strong ako. Kasi kung umabsent ko yan. Ang weak ko noh. Kaya pakapalan na lang. Hakhak.
uy, 2017 ata to. Graduation ng kinder sa hotel hall sa Vito Cruz. Medyo di pa ko marunong mag-make up yan. 
ayan, March 2018 'to. Ito ung Doces sports fest basketball girls. Naalala ko nag-champion yung school namin. Hihi.
April 2018. Mt. Sapari at Mt. Binutasan. Naalala ko yung napakahabang naming pagkakalakad bago pa sa pinakapaa ng bundok. Ito yung pang-beginner friendly pero papatayin ka sa lakaran na patag. Haha unang bili ko ng sandals na sandugo with Demi kasi di keribels kapag naka-rubber shoes ka. Infairness maganda dito tas may mga baka sa tutok ng bundok. 
May 2018. Cebu! First time kong sumakay ng airplane. First time sumama sa lakbay aral infairness bongga ang lakbay aral ng sjcs pero babayaran mo. Sayang yung lakbay aral na Batanes. Di na ko sumama kasi magreresign ako eh kailangan bayaran yun kapag sumama. Kapag sumama ako sa Batanes, wala na akong backpay hakhak. OsmeƱa Peak yan sa Dalaguete, Cebu. Bundok din pero hingal din jusko. 
Dec 2018. Mt. Balabag. Kasama ko si G1 and her jowa and friend. Tho kahit apat lang kami. Masaya pa rin. Actually, hanggang bundok lang talaga pero dahil sayang naman pagpunta namin, pumunta na kami sa secret falls na tinatawag. Ayan yon. Hehek.
March 2019. Last school year ko na sa sjcs. Lam kong di pa magaling yung sprain ko dyan. Kasi 2weeks ago nahulog ako sa hagdan haha. Kaya ayan. Maganda lang picture ko dyan pero masakit paa ko. Hahaha 
jump off agad sa October 2019. Natanggap ako sa public July 2019 kaya thankful ako. Sa Tanay, Rizal naman yan. And braces off na rin.
and pinaka-latest. February 2020. Mt. Daraitan. Huhuhu kung alam kong lang na ito na ung una't huli kong bundok dapat pala sinagad ko na haha. Dami ko pa naman plano ngayong taon. Hay covid. Magpaplano na ko mag-solo travel eh. Pero in God's will. 

So, ayan po ang major throwback natin. And sa tingin ko naman ang nagbago lang sakin ay katawan noh. Hahaha! Sa mukha? Hmm mukhang walang pinagbago haha. Na-realized ko lang na di pala ako palaayos sa sarili ko at masaya na ko sa shirt, shorts at jeans. At ngayong 25 years old na ko. Kung unti-untiin ko na ba maging babae haha baka kasi di ako nagkakajowa dahil di ako palaayos haha. Naku po! 

Tuesday, June 30, 2020

bagong phone

So ito na nga ang pinakahihintay ko. After a week dumating na ung order kong phone from shopee

Remember, last Sunday gusto ko na bumili ng phone kaya lang out of stock kaya naisipan ko na lang bumili online. Alanganin pa ko bumili kasi ang laki ng amount na ilalabas ko tapos baka mamaya ma-scam ako. Despite of all negatives na nangyayari sa mga courier like J and T na naghahagis ng packaging haha eh walang pumigil. Bumili pa rin ako phone after 3 years. Actually maiksi pa nga ung 3 years to maximize my used phone pero kasi sobrang outdated na siya though gumagana pa naman. 

And kanina maaga akong nagising kasi dumating na ung phone. Ine-expect ko mga bandang Wednesday ang dating pero wala eh dumating umaga! Hahaha lumabas akong bagong gising pero nagmumog naman ako. 

And now gamit ko na at natatanga ako alagi sa paggamit. Not a gamer pero gusto ko lang may upgrade sa phone tsaka napaglulumaan na ata ako lols. 

Sana magamit ko to hanggang 5 years..

Sunday, June 21, 2020

Very Wrong

Ito ang kuwento ko dapat kahapon. 3 years ago, first time kong bumili ng phone. yung cp ko kasi from high school to college ay minsan ay bigay at pinaglumaan na. so 3 years ago bumili ako ng android phone hakhak yung y5 ng huawei. okay pa naman yung phone na yun. actually good condition pa nga eh. kaya lang gusto ko na rin mag-upgrade feel ko kasi napag-iiwanan na ko hakhak.

kahapon, i decided na bumili ng phone. marami na rin ako napapanuod sa youtube ng mga phone reviews even blogs nagbabasa ako about sa bibilhin kong phone.

so ayun  na nga mayroon na kong natitipuhang cp hakhak 

pumunta kami ng trinoma para bumili ng phone, kasama ko si ate at si kulot (saling pusa) sad to say ubos ang stock (sa trinoma) medyo na-hype kasi yung mga bagong phone. Tapos pumunta naman kami ng sm north annex which is building na puro gadgets. Pumila pa kami para matignan ung stock sad to say wala na naman.

so wala kaming napala sa pagbili ng cp. 

bumili na lang kami ng wings para ulam pag-uwi tapos magta-taxi na lang kami. 

nag-taxi kami tapos nung nasa area na kami bigla akong bumaba tas biglang bumisina si manong taxi. ayun pala di pa pala kami nakakabayad.

akala ko kasi si ate ang magbabayad ng taxi pota di man lang ako sinabihan na ako pala ang magbabayad. very wrong talaga at nakakahiya haha tang ina.

so ang ending pagdating sa bahay, sisihan kaming magkakapatid. pero frend, tang ina nakakahiya hahaha 

so ang pagbili ko ng phone ay mukhang mauuwi sa pagbili sa shopee hays. 

Saturday, June 20, 2020

Walang laman

Di ako nakapag-blog kahapon. Busy sa webinar tapos may mga reports pa kaming ginagawa.

hirap ng buhay titser. 

ano ba lalamanin ng bago kong post? wala ata hakhak.

siguro ang sasabihin ko na lang ay di pa rin ako maka-move on sa kdrama na pinanuod ko. Last Tuesday ko lang yun natapos tas Wednesday to Friday nagrerewatch ako ng favorite scenes ko from that Kdrama. Sinabi ko rin yung title sa unang blog ko. Title nun ay My Golden Life. Nag-promise rin ako na maglalabas ako ng feels ko about sa seryeng yun. Siguro mamaya bago ako matulog papanuorin ko ulit. hakhak. 

Naalala ko nga pala, nung last Thursday na magbabago na ko, mukhang malabo pa hahaha daming distractions eh. sana kahit dun sa mga nabanggit ko ay may ma-accomplish ako. huhuhu. Tsaka I will try tonight if magagawan ko ng review ang My Golden Life. hakhak.  

Thursday, June 18, 2020

Maisipan ko lang magbago hakhak

Ngayong 2020 ay hindi naging maganda yung takbo ng pamumuhay ng karamihan sa atin dahil sa pandemya.

Noong January ay nakapagtala ang Pilipinas ng isang kaso ng covid dito. Chinese ito. Ang mga tao ay nabahala sapagkat nakapasok ang virus dito. Mga ilang Linggo, marahil mag-February na noon ay hindi pa nakakapagtala ulit ng panibagong kaso. Naging kampante ang mga tao sapagkat halos isang buwan na walang kaso. Sa mga nababasa kong comments sa mga post, kesyo tinatago raw ng gobyerno yung totoong bilang ng tinamaan ng nasabing sakit. 

Hanggang sa 2nd week ng March ay nagkaroon ng unang kaso ng covid ang Pilipinas. Pilipino ito. At nagulat ang karamihan dahil baka kumalat na ang virus dito. Hanggang sa tumaas ng tumaas ang tinatamaan ng sakit. 

Naalala ko nung 2nd Week ng March ay naghahanda na kami ng final periodical test ng mga bata, at dahil nga sa pandemya na ito, nagkansela na ng pasok. Isang Linggo. Tuwang-tuwa ang lola n'yo kasi nawawalan na ko ng motivation para pumasok atsaka mga puro paghahanda na lang sa graduation at kung ano-ano pa. 

pero hindi pala naging maganda ito. bakit?

hindi na nagkaroon ng graduation ang mga mag-aaral.
dahil lockdown, ang mga nasa private sector na nagtatrabaho, nawalan ng pagkakakitaan
ang mga contractual workers nawalan din ng trabaho. at marami pa

ang taong ito ay hindi naging magandang taon para sa atin lahat pero mag-iiwan ito sa ating kasaysayan

back to the original title.

ever since nung mag-lockdown. March pa lang nag-work from home na ko kasi di na ko aasa pang maibabalik muli sa dating normal ang lahat. So bago mag-April ay tinapos ko na ung mga dapat tapusin maliban dun sa mga mag-aaral na walang pakialam sa kanilang pag-aaral.

pinangako ko sa sarili ko na dapat may mga bagay ako na kailangan kong gawin na hindi ko pa nagawa nung dating normal. pero hanggang ngayon, wala pa kong na-accomplished ni isa hakhak.

ano ba ung mga bagay na gusto ko gawin na di ko pa nagawa dati?

- matutong mag-drawing (frustration ko ang pagdo-drawing)
- matuto pa sa english language (balak ko kasi mag-extra after work example ay ung freelancing, esl teacher)
- tapusin ang free course sa tesda (entrepreneurship)

bakit ba wala pa ko na-aaccomplish ni isa sa mga ito?

una, gawaing bahay kahit paghuhugas lang ang ginagawa ko at paglalaba kapag schedule ko na 

pangalawa, Kdrama. hindi ko titigilan hanggang hindi ko natatapos ang seryeng ito tapos panibagong panuorin na naman at same routine na naman hakhak

pangatlo, mas masarap pa magpahinga at mabilis akong tamarin sa mga trabaho ko. sobrang procrastination ko na ito. jusko.

hanggang sa June na ngayon ni isa wala pa ko na-aaccomplish. nag-start na rin kami mag-wfh para sa school year na ito. so kung ano-anong anek-anek ang ginagawa ko hopefully sana may matapos ako dun sa mga gusto ko talaga tapusin haha dagdag mo pa ung mga webinars. 

mukhang di na naman ako magbabago hakhak

anyeong!

Wednesday, June 17, 2020

My Ipon Diary part 2

So ayun na nga yung part 2 ng My Ipon Diaries natin.

Nung nakaraan pumunta ako sa NBS kasi kating-kati na 'ko bumili ng faber castell color pencil hakhak. Ewan ko gusto ko kasing matutong mag-drawing haha kaya gusto ko bumili. Eh sakto nakita ko ung My Ipon Diary ni Chinkee Tan, matagal na kasi ako naghahanap non bago pa magpandemya. Di ako nag-atubili, bumili ako agad. 

Ang mga nilalaman ng My Ipon Diary ay may mga realizations question about sa pag-iipon. Bago pa ako tuluyang maging active sa Blog na ito nasulat ko na ung realizations ko sa notebook na puwede ko ng ilipat dito hakhak. 

Take note: di ko pa tapos basahin yung diary haha daming ginagawa lols.

My Ipon Realization

1. Ano ang mga paraan para makapag-ipon para mahanap mo na ang forever mo?
sagot: atleast makapagtabi o makapag-save atleast 5% sa monthly income. For example ipon challenge, emergency fund tapos focus ka lang 'don. basta stable ka financially madali mong mahahanap 'yung forever mo.

2. Ano ang mga pangyayari na naging sobrang galante ka at ikaw pa ang naubusan?
sagot: siguro wala pa naman na sobrang galante tapos bigla akong naubusan. naging galante. oo. pero di naman yung tipong naubusan ako ng pera. atleast nagtitira pa ako kahit konting pera hanggang dumating yung next sahod ko.

3. Ano ang mga bagay na nangyari sa'yo kung saan nang dahil sa pagkain ay hindi ka nakapag-ipon?
sagot: siguro, hindi dahil sa pagkain kaya di ako makaipon. siguro sa expenses ko kapag nagtatravel ako lalo't na marami akong gustong bilhin katulad ng souvenirs syempre foods na rin dahil minsan ka lang naman makakapunta dun sa lugar na 'yun ay sulitin mo yung mga pagkaing ino-ooffer nila.

4. Ano ang mga bagay na kaya mong munang isakripisyo para makapag-ipon?
sagot: Gadgets. kasi pangmatagalang gamit yun tsaka depende yan sa paggamit mo. kung bara-bara ka gumamit, gagastos ka na naman para bumili ng bago. Tsaka isipin mo rin yung specs ng gadgets na sa tingin mo ay pangmatagalang mong gagamitin. May mga gadgets naman na budget friendly pero maganda ang specs katulad ng Xaiomi etc. Kung gusto mo ng mga branded phones, why not pero basta yung mga branded phone na 'yun ay dapat matagal mong magamit at the same time kapag may bagong labas, wag munang bumili. i-compare mo muna 'yun sa previous phone, minsan ang upgrade lang yung mga camera or some specs lang. 

so ayun lang baka may part 3 pa kasi di ko pa tapos yung book ni Chinkee Tan. baka mag-avail pa ko ng other books niya. 

anyeong!

My Ipon Diary

So since nag-start na ako maging active sa aking blog, medyo nagkaroon ako ng konting problema.

yung date ng release ng aking blog. Kahapon June 16 2020 pero ung unang entry ko sa blog nag-release ng June 15 2020

so bahala na kung maaayos ko pa ito. 

btw, ayun na nga. pumunta ako ng china bank savings para mag-open ng passbook. marami na rin akong nababasang sa group ng peso sense (kasali ako dun) na magandang passbook ito. sa halagang 500 pesos may passbook na. yey!

bakit ba ko kumuha ng passbook?

una, para di ko galawin ung perang naiipon ko. atm sana kaso lagi kong dala kaya daming temptation na makikita

pangalawa, hindi ko alam kung para sa'n ba 'yun pero gusto ko lang na may extrang pera just in case na may emergency na nangyari may madudukot ako.

pangatlo, kung sakaling magbukas ako ng negosyo in the future ito sana ung kukuhanin kong kapital para magkapag-business ako.

Tapos, ung cbs na yun mayroong patnership with manulife. so inaalok ako na kumuha nito pero di ko pa balak kasi dami ko ring gastusin. Mayroon na rin kasi akong insurance kaya ok na ko 'dun. siguro kapag nakapag-luwag-luwag baka puwede na.
 
dahil sa pagpunta ko sa bangko, di ako naka-attend ng webinar pero mamaya manunuod ako hakhak. 

sa next post ko sa blog, ise-share ko ung nabili ko sa nbs nung nakaraang Linggo. isa na dun yung nabili kong My Ipon Diary ni Chinkee Tan

anyeong!

Monday, June 15, 2020

Bagong post

Nagdesisyon na ako na maging active dito sa Blogger (kahit walang nagbabasa). Ayoko na kasi malaman pa ng iba ang tungkol sa akin kaya minabuti kong maging active rito.

siguro dito ko na rin ilalabas ung mga gusto kong sabihin na di ko masabi sa ibang tao. daily dairy ba. maganda na rin siguro 'yon.

sa ngayon, work from home pa rin ang peg ko bilang isang guro pero wala naman ako masyadong nagagawa. siguro ung mga worksheets na nagagawa ko na nakukuha ko naman sa mga libro hakhak. tas kunwari picture-picture tapos ipapasa para mema lang na may nagawa ka. lols

nasa episode 49 na ko ng My Golden Life. Maganda storya. siguro gagawan ko ng panibagong post or review about 'dun.

anyeong!   

Guess, I'm back

 After so many years, nakapagsulat pa ako. Buti naalala ko pa na may sarili akong blogspot haha.  Anyway, last 2021 pa pala ang last entry k...