Na-realised ko din pala sa bawat picture na nakuha ko experiences din yung na-gain ko.
Unang photo. Star City. 2015. May work na ata ako yan kaya lakas ng loob kong sumama sa friends ko mag-star city. Tska first time kong pumasok dyan sa buong buhay ko. Ferris wheel ata yan. And kinuhaan ako ni Liza Alejandro. Hihi.
2nd photo. Star City ulit. 2016. Family Day yan ng sics tapos ang ganda ng camera ng co teacher ko na crush ko hihi. Kaya grab the opportunity ang peg ko kasi may pagka-dlsr hakhak. No braces pa 'ko yan. Ito na ata yung pinakamahabang hair ko? And first time ko mag-read ng prayer of the faithful sa misa ng sics.
3rd photo. Xmas party. 2016. So December yan. November po ako nagpakabit ng braces kasi ang pangit ng ngipin ko sobra. May sama ng loob sa isa't isa kaya naghihiwalay sila. Tsaka medyo stress din ako dyan kasi may nangyari. Before that day na 'yan, nilagnat ako kasi ang lakas din magparinig ng mga co teachers ko dyan na super apekted ako. Kala mo naman ang tindi ng kasalanan ko. Lol. Pinilit kong pumasok yan para strong ako. Kasi kung umabsent ko yan. Ang weak ko noh. Kaya pakapalan na lang. Hakhak.
uy, 2017 ata to. Graduation ng kinder sa hotel hall sa Vito Cruz. Medyo di pa ko marunong mag-make up yan.
ayan, March 2018 'to. Ito ung Doces sports fest basketball girls. Naalala ko nag-champion yung school namin. Hihi.
April 2018. Mt. Sapari at Mt. Binutasan. Naalala ko yung napakahabang naming pagkakalakad bago pa sa pinakapaa ng bundok. Ito yung pang-beginner friendly pero papatayin ka sa lakaran na patag. Haha unang bili ko ng sandals na sandugo with Demi kasi di keribels kapag naka-rubber shoes ka. Infairness maganda dito tas may mga baka sa tutok ng bundok.
May 2018. Cebu! First time kong sumakay ng airplane. First time sumama sa lakbay aral infairness bongga ang lakbay aral ng sjcs pero babayaran mo. Sayang yung lakbay aral na Batanes. Di na ko sumama kasi magreresign ako eh kailangan bayaran yun kapag sumama. Kapag sumama ako sa Batanes, wala na akong backpay hakhak. OsmeƱa Peak yan sa Dalaguete, Cebu. Bundok din pero hingal din jusko.
Dec 2018. Mt. Balabag. Kasama ko si G1 and her jowa and friend. Tho kahit apat lang kami. Masaya pa rin. Actually, hanggang bundok lang talaga pero dahil sayang naman pagpunta namin, pumunta na kami sa secret falls na tinatawag. Ayan yon. Hehek.
March 2019. Last school year ko na sa sjcs. Lam kong di pa magaling yung sprain ko dyan. Kasi 2weeks ago nahulog ako sa hagdan haha. Kaya ayan. Maganda lang picture ko dyan pero masakit paa ko. Hahaha
jump off agad sa October 2019. Natanggap ako sa public July 2019 kaya thankful ako. Sa Tanay, Rizal naman yan. And braces off na rin.
and pinaka-latest. February 2020. Mt. Daraitan. Huhuhu kung alam kong lang na ito na ung una't huli kong bundok dapat pala sinagad ko na haha. Dami ko pa naman plano ngayong taon. Hay covid. Magpaplano na ko mag-solo travel eh. Pero in God's will.
So, ayan po ang major throwback natin. And sa tingin ko naman ang nagbago lang sakin ay katawan noh. Hahaha! Sa mukha? Hmm mukhang walang pinagbago haha. Na-realized ko lang na di pala ako palaayos sa sarili ko at masaya na ko sa shirt, shorts at jeans. At ngayong 25 years old na ko. Kung unti-untiin ko na ba maging babae haha baka kasi di ako nagkakajowa dahil di ako palaayos haha. Naku po!