Wednesday, June 17, 2020

My Ipon Diary part 2

So ayun na nga yung part 2 ng My Ipon Diaries natin.

Nung nakaraan pumunta ako sa NBS kasi kating-kati na 'ko bumili ng faber castell color pencil hakhak. Ewan ko gusto ko kasing matutong mag-drawing haha kaya gusto ko bumili. Eh sakto nakita ko ung My Ipon Diary ni Chinkee Tan, matagal na kasi ako naghahanap non bago pa magpandemya. Di ako nag-atubili, bumili ako agad. 

Ang mga nilalaman ng My Ipon Diary ay may mga realizations question about sa pag-iipon. Bago pa ako tuluyang maging active sa Blog na ito nasulat ko na ung realizations ko sa notebook na puwede ko ng ilipat dito hakhak. 

Take note: di ko pa tapos basahin yung diary haha daming ginagawa lols.

My Ipon Realization

1. Ano ang mga paraan para makapag-ipon para mahanap mo na ang forever mo?
sagot: atleast makapagtabi o makapag-save atleast 5% sa monthly income. For example ipon challenge, emergency fund tapos focus ka lang 'don. basta stable ka financially madali mong mahahanap 'yung forever mo.

2. Ano ang mga pangyayari na naging sobrang galante ka at ikaw pa ang naubusan?
sagot: siguro wala pa naman na sobrang galante tapos bigla akong naubusan. naging galante. oo. pero di naman yung tipong naubusan ako ng pera. atleast nagtitira pa ako kahit konting pera hanggang dumating yung next sahod ko.

3. Ano ang mga bagay na nangyari sa'yo kung saan nang dahil sa pagkain ay hindi ka nakapag-ipon?
sagot: siguro, hindi dahil sa pagkain kaya di ako makaipon. siguro sa expenses ko kapag nagtatravel ako lalo't na marami akong gustong bilhin katulad ng souvenirs syempre foods na rin dahil minsan ka lang naman makakapunta dun sa lugar na 'yun ay sulitin mo yung mga pagkaing ino-ooffer nila.

4. Ano ang mga bagay na kaya mong munang isakripisyo para makapag-ipon?
sagot: Gadgets. kasi pangmatagalang gamit yun tsaka depende yan sa paggamit mo. kung bara-bara ka gumamit, gagastos ka na naman para bumili ng bago. Tsaka isipin mo rin yung specs ng gadgets na sa tingin mo ay pangmatagalang mong gagamitin. May mga gadgets naman na budget friendly pero maganda ang specs katulad ng Xaiomi etc. Kung gusto mo ng mga branded phones, why not pero basta yung mga branded phone na 'yun ay dapat matagal mong magamit at the same time kapag may bagong labas, wag munang bumili. i-compare mo muna 'yun sa previous phone, minsan ang upgrade lang yung mga camera or some specs lang. 

so ayun lang baka may part 3 pa kasi di ko pa tapos yung book ni Chinkee Tan. baka mag-avail pa ko ng other books niya. 

anyeong!

Guess, I'm back

 After so many years, nakapagsulat pa ako. Buti naalala ko pa na may sarili akong blogspot haha.  Anyway, last 2021 pa pala ang last entry k...