Sunday, October 11, 2020

Di ako marunong mag-organize

 Dahil na-survive ko ang 1st week ng online classes. Deserve ko naman magpahinga ng weekend di ba? Kaya lang ang dami ko pa lang chechekan ng mga modules. Until now, may mga naghahabol pa din.

Sunday ngayon at umuulan. Masarap lang matulog at humilata buong maghapon kasi malamig. Pero napipilitan akong kumilos kasi kailangan akong tapusin katulad ng paggawa ng script at pagchecheck. 

Madaling bagay ang mga ito pero hirap na hirap pa rin ako? Siguro dahil hindi ako marunong mag-organize? 

Nag-visit ako ng website ng todoist.com tapos nag-quiz ako kung anong todoist ang bagay sa akin. Ang lumabas ay Eat your Frog. Search mo na lang kung ano yon.

Ayun na nga, pinag-aralan ko kung ano yung eat your frog na 'yan. Madali lang pero ang hirap pa rin. Kasi madali akong magsawa at mabagal akong kumilos? Madali akong ma-distract like minu-minuto mag-ffb ako, mag-iig ako, mag-titwitter ako. Tapos minsan nagwiwindow shopping ako sa Shopee. Ang hirap.

Ano bang magandang way para maging productive ako? Mag-quit na lang kaya ako? Hehe. 

October 11, 2020

4:54 PM

Guess, I'm back

 After so many years, nakapagsulat pa ako. Buti naalala ko pa na may sarili akong blogspot haha.  Anyway, last 2021 pa pala ang last entry k...