Thursday, November 2, 2023

Guess, I'm back

 After so many years, nakapagsulat pa ako. Buti naalala ko pa na may sarili akong blogspot haha. 

Anyway, last 2021 pa pala ang last entry ko. so I guess ito ung 1st entry ko ngayong 2023. Marami siguro akong malalagay dito kasi marami ring naganap sa akin sa loob ng 10 buwan. 

November 2 nga pala ngayon at sa November 6 ang balik eskwela. Wala pa rin akong nagagawang trabaho kasi nakakatamad na. Nagbago na rin ang school head namin na toxic kasi panay bisita niya sa school. Kaya ayun ang lola mo, stress sa mga lesson plan etc na ayaw ko talaga gawin huhu. 

since November na, isulat ko na lang ung mga happenings na nangyari sakin sa loob ng 10 buwan. Una noong february kasi 1st time kong umakyat sa Mt. Pulag! Niyaya lang ako nung pinsan ko na umuwi dito sa pinas para magbakasyon at sobrang amazed ako sa ganda ng Pulag, talagang binabalik-balikan ang lugar na ito. Maraming salamat sa magandang panahon na binigay noon kasi nakita ko ang sea of clouds at may clearing. Buti na lang hindi umulan non at sobrang lamig! Kailangan talaga ng padded jacket don. 

Nung April naman, umattend ako ng fan meeting/concert ng running man. Sobrang saya ko nun kasi nakita ko personally ung mga rm members, sad lang kasi umalis na kwangsoo at mas lalo akong na-sad kasi si so min aalis na rin. well atleast bago siya nakaalis, nakita ko siya sa fan meeting. 

Nakakaadik pala pumunta sa mga gantong event kasi once in a lifetime talaga sa buhay natin kahit na makikikanta lang tayo iba ung experience kapag nandun na ung artist. Tulad nyan, nagsisi ako bat di ako pumunta sa concert ni Bruno Mars at ng Twice. Bat kasi tayo pinanganak ng mahirap pero atleast malayo na dun sa nakasanayan at sa 10 years old self ko. Sa aking old self, sana proud ka at masaya ka kasi natupad na ung gusto mong manuod ng concert ng super junior at sa mga susunod pang mga concert na gusto mong puntahan.

May 2023, birthday month! wala naman naging masyadong naging ganap dito aside sa may pasok ako sa school nito at sinuprise ng mga estudyante ko, that's ordinary day for me. And thankful ako kasi nakarating ako sa age na to at sana more years to come pa!

and then months passed, June, July, August.. august balik school na agad with 1 month na pahinga, balak ko sana nung mga bakasyon ay mag-apply sa mga agency kasi gusto kong mag-abroad. di ko siya nagawa kasi tinamad ako? i dunno sa self ko kung nature ba ung pagiging tamad ko o may kasama na siyang psychological something. 

sana maging good itong school year na to kasi ung mga students ko ngayon (advisory) ay medyo may pagkapasaway sana pumasa sila at makarating ng grade 12 huhuh. 

tapos ngayong kakapasok ng novemeber, ngayong nagbabakasyon ako ng 1 linggo kasi eleksyon tas undas, dami kong ginawa kundi ang manuod ng kdrama at hindi mag-work haha

pero anyway, dami ko na namang naiisip these past few days kasi parang ang teaching nakakapagod na siya for me kasi ayoko na mag-uwi o magtrabaho sa bahay kapag uuwi na ko, gusto ko magpapahinga na lang ako ung ganun ba. and naiisip ko nga mag-abroad kasi as a single gusto kong may maipundar ako like gusto kong magkabahay, ayusin ung bahay namin ung ganun ba pero bat ganon nasastock ako sa current situation ko. walang usad ganun.

and my friends are getting married, pregnant, may lovelife and here i am, nagtatago sa bahay, ayaw lumabas. 

is there any changes ba na mangyayari sa buhay ko pagkatapos ng year 2023? parang ako ang kumakahon sa sarili ako at ayoko lumabas sa sarili kong kahon. 

anyway, tinatamad akong mag-check at gumawa ng grades.

Monday, June 14, 2021

Lapit na mag-end ang school year

 Hey, whats up. It's been awhile since I posted my last blog. Broken pa ko nun that time haha.

Update! Regarding to kay kuya mong nang-ghost! Last month was birthday and I celebrated my birthday sa bundok last May 18, 2021 that was Tuesday and ang lakas ng loob kong sumama at mamundok kahit na may pasok ako non haha. Well, pinagbigyan ko na rin sarili ko and minsan lang naman kasi this is one of my bucket list before mag-30. Ang mamundok na mag-isa at i-celebrate ang birthday haha tho advance nga lang ng 2 days pero kerber na haha baka kasi matanggal ako sa trabaho. And ayun nga, I was so happy because I achieved that goal and ang sarap lang sa feeling kasi ang laya ko tapos makakakilala ako ng bagong tao. Mauulit pa to sa mga susunod pang buwan haha di ko na lang ipo-post kasi dami rin toxic sa Facebook. 

At ito na nga, May 19, 2021. I notice na he messaged me pala ng Wednesday ng gabi. Di ko na pinansin kasi nasa ignored messages na rin siya and di ko na madalas nachecheck un kasi I'm on the process of healing. And tho, di na rin ako mag-eexpect na mag-message pa siya sakin kasi he was too busy I guess and I was busy too. Minessage niya lang ako kasi magtatanong lang siya about don sa insurance haha napakababaw naman para mag-message siya ng ganun and then ended the convo. Tapos after ilang hours since we talked, nag-message ako sa kanya na nasaktan ako sa ginawa niya and then sana di niya gawin un sa ibang babae kasi ang sakit nga haha and he said sorry and he got overwhelmed sa mga problema niya sa buhay. So parang ako, "Oohh I see kaya pala ghinost ako" pero sa isip ko lang yan huh. Tapos after ilang days na nag-sorry siya sa akin, nag-my day siya ng isang gurl, haha sabi ko sa sarili ko, he got overwhelmed sa problems niya pero ang lakas pang makakuha ng bagong jowa haha. Well you know bilang isang individual, kung sobrang overwhelm ka sa problema mo, di ka dapat nagjojowa. I remember the last time he said na masaya raw siya pero feeling niya di niya raw deserve na maging masaya kasi maraming problema tapos yun pala deserve pala ni kuya ang magkaroon ng bagong jowa. Sobrang contradict ng statements niya na sinabi niya sakin at sa mga actions niya. Well parang nag-sorry lang siya sakin para malinis lang konsensya niya sa ginawa niya sakin hohoho. Kung masaya naman siya sa bago niya and then I am okay. Wala na rin akong paki sa whereabouts niya sa buhay, sobrang dissappointed lang ako sa ginawa niya sa akin. Di na lang niya sinabi na "Uy, sorry sa ginawa ko, pero may bago ako ngayon" di ba pwede ganun na lang statement niya? Idadamay mo pa problema mo sa buhay para makahingi ng sorry tapos magpapakita ka na masaya ka haha. Ulol!

And then yun nga, di ko naman alam kung saan niya nakilala un so whatsoever pero I don't want to see him anymore. 

anyways, let's be happy na lang and ayoko na rin mag-isip ng mga stress sa buhay and ilang weeks na lang malapit na mag-end ang school year! Yehey, nasa kalahati na tayo ng taon pero may virus pa rin ahaha 

Kelan kaya ang next hike ko?

June 14, 2021
5:01pm 

Saturday, March 6, 2021

Procrastination overload

 Hello there its been a while since nung huli kong sulat sa blog na ito. Maraming nangyari at the same time medyo may sakit lang sa puso (broken hearted). Nakuwento ko na rin sa blog na ito na may nakilala akong guy from tinder and we've dated for 3 months pero ang nangyari na-ghost ako. Hindi ko naman inaway since hindi naman ako ganung tao pero hindi ko alam kung anong dahilan niya bakit siya nang-ghost sakin. 

Lagi niyang sinasabi sa akin na tinatamad na raw siya pumasok kasi pina-force leave siya sa work and then laging naglalaro ng playstation which is un lagi ang inaupdate sakin everytime na mag-uusap kami. Sinama ko pa mamundok para lang makapag-unwind siya kahit papano nung February 12, tapos as by time goes by nagiging matagal na ung replies niya (tho busy siya sa work at busy sa laro) hanggang sa seen na lang niya ako one time which is he never do that sakin and then nagtaka na ako at nakakaramdam na ko ng coldness from him which is na unti-unti ko nararamdaman na ito na nga ang mangyayari, ang ghosting. Sobrang sakit sobra kasi I invested time and effort for him na akala ko siya na :( kaya parang till now may kirot pa rin pero medyo okay na ko. Pero kasi after that na huling usap namin ang sakit eh. Durog ang puso ko hehehe. 

Hindi ko na alam kung naghanap ba siya ng iba o gusto niya muna ng "me time" kasi gusto niya raw yun which is binigay ko naman sa kanya. When I checked his account on tinder hehe mga updated ang photos niya na minsan naisip ko na baka naghahanap na rin siya ng bago. Well ganun talaga ang buhay. Kailangan ko rin mag-move on and love yourself kahit na nbsb ako. Jusko sobra na pagmamahal ko sa sarili ko hehe pero in God's will and His grace, He will provide. 

Speaking of procrastination overload, ayan na nga po dahil sa pagpapakatanga ko sa lalaki, hindi ko na minsan nagawa yung trabaho ko hehe. Tinatamad na ako mag-check ng mga papers which is ayoko na rin talaga in the first place. Yung ibang work as a teacher nagagawa ko pa pero ung pagchecheck ay talaga ayokong-ayoko :( hindi ko alam kung sobra na ba ung procrastination ko or inaatake na naman ako ng anxiety. Minsan gusto ko na lang gumala para lang matakasan yung mga gagawin ko. 

What should I do? Gusto ko na rin bumalik sa dating ako at maging okay na rin :( minsan hindi ko na kilala sarili ko :( 


March 6 2021

5:20 PM

Wednesday, January 6, 2021

new year new me

Happy new year po sa lahat. Medyo late na yung bati pero sa pagba-blog ko late na rin haha. 

Medyo natatamaan na naman ako ng anxiety at stress kasi wala si mama dito sa bahay so ako ang taga malengke at tagaluto. Buti na lang may tagahugas pero nakaka-stress at nakakapagod pala kasi may work pa kong kailangang tapusin tapos kapag pagod ka na di mo na magawa ung mga paper works mo. Gusto mo na lang matulog. 

Kung ano-ano na naman naiisip ko. Nag-ooverthinking na naman ako. Nakakaisip na naman ako ng suicidal thoughts hays. Sana mayroong isang tao ung tatanungin ako kung okay ba talaga ako. Yung magkukwento ako na nakikinig lang siya, yung nasa tabi ko lang siya at dinadamayan ako. Yung makakatanggal ng stress at pagod ko. Sana mayroong isang tao na ipapadala ang Panginoon sa akin. 

Sa ngayon, mukhang ang week na ito ang nakakapagod. Ramdam ko ang pagod ni mama. Ramdam ko ang pagod ng isang nanay. Parang ayoko na tuloy mag-asawa hahaha. Joke lang. So ayun lang naman ipa-pray natin ang mga bagay-bagay. 

Nga pala, sana by this 2021 ay makapasok ako sa freelancing. Gusto ko talaga ng virtual jobs. Para may extra akong pagkakitaan bukod sa pagiging teacher ko. I'm praying for it. Sana gabayan ako ni Lord. 🙏🙏

January 6, 2020
8:39 pm

Wednesday, December 30, 2020

Last Wednesday 2020 at Rizal Day

 Kamusta. Matagal na rin pala akong di nakakapagsulat sa aking blog. Busy-busyhan tapos ang dami ring nangyari sa akin noong nobyembre at ngayong disyembre ngayong taon.

Una, may nakilala ako sa tinder (dating app) na nagngangalangang Joshua Anthony Ninalga. Sa una, hindi talaga akong interasado sa kanya kasi ang gusto ko lang naman sa dating app ay makapag-usap ng mga random stranger. Pero hindi talaga lovelife ang hinahanap ko don. Hanggang sa kinulit ako na kuhanin ang fb account ko tapos nagsimula na kaming mag-chat all day. At first, sinabi ko sa sarili ko na isa siya sa mga i-goghost ko kasi minsan, wala talagang tumatagal sa akin. I mean di siya tatagal kasi yung ugali ko may pagkamasungit tapos minsan bastos pa ko makipag-usap. Hanggang sa nagyaya siyang makipag-meet. Siguro mga 2 days after naming mag-chat, niyayaya na niya ako. Tapos ako tumanggi ako kasi syempre nakakatakot makipag-meet baka kung ano ang gawin sakin. 

So nagtagal ang pag-uusap namin ng 2 weeks ata at sinabi ko na rin sa kaibigan ko kung ime-meet ko ba si Joshua. So, ayun nakipagkita ako sa kanya tapos ang damit ko pa non parang pambahay lang. Shorts at tshirt lang at sandugo sandals haha. Siguro para ma-testing ko rin kung magkakagusto ba sakin ung lalaki despite na ganon ang pananamit ko haha. Tapos hanggang sa nasundan pa ang pakikipag-date ko kay Joshua. 

Kung ako tatanungin, yes. May chance siyang maging jowa ko pero syempre wag tayong maging marupok haha. Baka kasi iwanan ako or i-ghost ako. Tignan natin after 3 months. Sa ngayon kasi nakaka-isang buwan pa lang kami at kinikilala pa rin namin ang isa't isa. Pero kung iiwanan man ako non, okay lang naman kasi kaya ko ulit bumalik sa pagiging single haha. 

Kaya lang kasi ang problema ko sa lalaking un, medyo may pagkamalibog at kung ano-ano ang pinopost sa kanyang fb account. Pero kapag nagkikita naman kami non, maayos naman kausap at okay siyang kasama. Naguguluhan pa rin ako, hehe pero ipinapasa-Diyos ko na sana bumalik na siya sa Panginoon at sabay sana kaming mag-worship sa Kanya. Sana dumating kami sa puntong iyon. 

Naghahanda na pala kami para sa pagsalubong ng 2021. Sana sa taong ito, makapag-ipon pa ko ng pera at magkaroon ng sariling negosyo kasi gustong-gusto ko na magka-negosyo. Syempre ung kalusugan wag natin kakalimutan kasi hanggang ngayon pandemic pa rin at mukhang wala naman balak ang gobyerno sa suliranin na ito. At sana sa darating na taon, ay makilala ko nang husto ang Panginoon at makilala si the One. :) 

Ayun lang naman sa blog na ito.


Ps: Sana sikapin ko makapag-post pa ng blogs parang ginagawa kong online diary ito eh hahaha 


Friday, November 6, 2020

hello november

Hello November, 

Kahapon isang buwan na pala kami nung nagsimula kami ng online class. Biruin mo, naka-isang buwan na pala kami kaka-messenger classroom. 

Share ko lang yung gusto kong gawin sa sarili ko pero sa tingin ko di ko na magagawa dahil sa procastination ko. 

Sa mga nagdaang linggo, ang kinaaaliwan ko ung panunuod ko ng anime, so far ang pinakamaganda sakin ay yung wotakoi. Ang cute lang ng story, at the same time realistic kasi ung mga otaku, minsan napagkakamalang nerds kaya perfect ang anime na ito sa talagang otaku.

Speaking of that, dahil sa kakapanuod ng anime, parang na eencourage akong mag-youtube about sa pagrereview o reaction about anime. Di naman ako siguro after monetization pero for fun lang. Kaya lang kasi nakakapagod yung mag edit tapos video. Wala pa kong gamit. 

Pero mukhang di na naman matutuloy yan dahil sa procastination ko ung pagdodrawing ko nga walang improvement eh paano pa ung pagyoyoutube ko. 

Anyway, nawala na sa puso ko ung kdrama, masyadong hype ang lahat sa mga bagong labas. Siguro kapag kumalma na sila tsaka ulit ako manunuod. 

Lapit na pala ang Christmas and still may virus pa rin

November 6 2020
9:56 pm

Sunday, October 11, 2020

Di ako marunong mag-organize

 Dahil na-survive ko ang 1st week ng online classes. Deserve ko naman magpahinga ng weekend di ba? Kaya lang ang dami ko pa lang chechekan ng mga modules. Until now, may mga naghahabol pa din.

Sunday ngayon at umuulan. Masarap lang matulog at humilata buong maghapon kasi malamig. Pero napipilitan akong kumilos kasi kailangan akong tapusin katulad ng paggawa ng script at pagchecheck. 

Madaling bagay ang mga ito pero hirap na hirap pa rin ako? Siguro dahil hindi ako marunong mag-organize? 

Nag-visit ako ng website ng todoist.com tapos nag-quiz ako kung anong todoist ang bagay sa akin. Ang lumabas ay Eat your Frog. Search mo na lang kung ano yon.

Ayun na nga, pinag-aralan ko kung ano yung eat your frog na 'yan. Madali lang pero ang hirap pa rin. Kasi madali akong magsawa at mabagal akong kumilos? Madali akong ma-distract like minu-minuto mag-ffb ako, mag-iig ako, mag-titwitter ako. Tapos minsan nagwiwindow shopping ako sa Shopee. Ang hirap.

Ano bang magandang way para maging productive ako? Mag-quit na lang kaya ako? Hehe. 

October 11, 2020

4:54 PM

Tuesday, October 6, 2020

The struggle is real

 Magandang gabi. Ang oras natin ngayon ay 10:14 ng gabi sa ika-6 ng Oktubre taong 2020. Medyo mahaba-haba ang blog na ito kasi nitong mga nakaraang buwan at linggo ay busy-busyhan ako. Tsaka tinatamad na ko magsulat ng blog dahil may bago akong pinagkakaabalahan. Ang pagdo-drowing. Hobby ko lang siya na gusto kong i-improve sa sarili ko kaya nagpa-practice ako ng sketching. Ang ending, pangit pa rin ang mga drowings ko. 

Okay back to the original title. So ito na nga, the struggle is real ika nga nila dahil medyo nahihirapan ako sa online classes ngayon. Kung matatandaan, dapat nung August 24 ang opening pero dahil sa hindi pa handa ang departamento ng Edukasyon ay iniurong sa October 5. Nagsimula na kahapon kaya nag-adjust na ko ng body clock kasi ang start ng klase ay 7 ng umaga. Ang siste, 2 oras sa umaga at 2 oras sa hapon. So 4 na oras ang screen time ng mga bata sa online classes. Isa sa mga pinapagamit na platforms ngayon ay ang Fb Messenger para lahat ng mga bata ay makasabay kasi ang Messenger ay pwedeng maka-access ng data kahit wala kang load basta may signal ka. Na-try ko na yan pero medyo mabagal kapag wala ka talaga ng data at all. Kaya ang ending magpapa-load pa rin ang bata. 

Ngayon naka-second day na ko sa online classes at very struggle kasi di naman ako nagsasalita dito sa bahay at ayaw ko rin naman magsalita dahil ang iingay ng mga tao dito. Kaya ngayon ang tanging nagsasalita sa pagkaklase ay yung mga tunog ng keyboard. Jusko nagiging keyboard warrior na 'ko. Sana naman mag-lift na ang covid at makabalik na sa dating normal.

Makakaya ko bang lagpasan ang school year na ito? Ngayon pa lang ay nangangapa na ko though blessed din naman ako kasi di ako binibigyan ng mga matrabaho katulad ng module writing or broadcasting atleast nagkaroon ako ng time sa sarili ko to grow up. 

Siguro naman kakayanin ko ang school year. Pangalawang araw pa lang naman di ba? Malay natin maging isang taon na heheheh

So ayun lamang sa blog na ito.

October 6, 2020

10:36 PM

Monday, July 27, 2020

major throwback

First post ko ata 'to sa buwan ng Hulyo. Busy-busyhan ang peg ko kahit di naman talaga busy. Hakhak. So, ang nilalaman ng post na ito ay major throwback. May nakita kasi akong tweet sa twitter tapos kinompare niya yung sarili niya way back 2015 and now 2020. Ngayon, naisipan kong gawin 'yun. Pero kada year. Tska gusto ko rin matignan kung may nagbago ba sa hitsura ko after I graduated. Hakhak. Syempre, maiiba hitsura mo kasi may pera ka na. 

Na-realised ko din pala sa bawat picture na nakuha ko experiences din yung na-gain ko. 

Unang photo. Star City. 2015. May work na ata ako yan kaya lakas ng loob kong sumama sa friends ko mag-star city. Tska first time kong pumasok dyan sa buong buhay ko. Ferris wheel ata yan. And kinuhaan ako ni Liza Alejandro. Hihi. 
2nd photo. Star City ulit. 2016. Family Day yan ng sics tapos ang ganda ng camera ng co teacher ko na crush ko hihi. Kaya grab the opportunity ang peg ko kasi may pagka-dlsr hakhak. No braces pa 'ko yan. Ito na ata yung pinakamahabang hair ko? And first time ko mag-read ng prayer of the faithful sa misa ng sics. 
3rd photo. Xmas party. 2016. So December yan. November po ako nagpakabit ng braces kasi ang pangit ng ngipin ko sobra. May sama ng loob sa isa't isa kaya naghihiwalay sila. Tsaka medyo stress din ako dyan kasi may nangyari. Before that day na 'yan, nilagnat ako kasi ang lakas din magparinig ng mga co teachers ko dyan na super apekted ako. Kala mo naman ang tindi ng kasalanan ko. Lol. Pinilit kong pumasok yan para strong ako. Kasi kung umabsent ko yan. Ang weak ko noh. Kaya pakapalan na lang. Hakhak.
uy, 2017 ata to. Graduation ng kinder sa hotel hall sa Vito Cruz. Medyo di pa ko marunong mag-make up yan. 
ayan, March 2018 'to. Ito ung Doces sports fest basketball girls. Naalala ko nag-champion yung school namin. Hihi.
April 2018. Mt. Sapari at Mt. Binutasan. Naalala ko yung napakahabang naming pagkakalakad bago pa sa pinakapaa ng bundok. Ito yung pang-beginner friendly pero papatayin ka sa lakaran na patag. Haha unang bili ko ng sandals na sandugo with Demi kasi di keribels kapag naka-rubber shoes ka. Infairness maganda dito tas may mga baka sa tutok ng bundok. 
May 2018. Cebu! First time kong sumakay ng airplane. First time sumama sa lakbay aral infairness bongga ang lakbay aral ng sjcs pero babayaran mo. Sayang yung lakbay aral na Batanes. Di na ko sumama kasi magreresign ako eh kailangan bayaran yun kapag sumama. Kapag sumama ako sa Batanes, wala na akong backpay hakhak. Osmeña Peak yan sa Dalaguete, Cebu. Bundok din pero hingal din jusko. 
Dec 2018. Mt. Balabag. Kasama ko si G1 and her jowa and friend. Tho kahit apat lang kami. Masaya pa rin. Actually, hanggang bundok lang talaga pero dahil sayang naman pagpunta namin, pumunta na kami sa secret falls na tinatawag. Ayan yon. Hehek.
March 2019. Last school year ko na sa sjcs. Lam kong di pa magaling yung sprain ko dyan. Kasi 2weeks ago nahulog ako sa hagdan haha. Kaya ayan. Maganda lang picture ko dyan pero masakit paa ko. Hahaha 
jump off agad sa October 2019. Natanggap ako sa public July 2019 kaya thankful ako. Sa Tanay, Rizal naman yan. And braces off na rin.
and pinaka-latest. February 2020. Mt. Daraitan. Huhuhu kung alam kong lang na ito na ung una't huli kong bundok dapat pala sinagad ko na haha. Dami ko pa naman plano ngayong taon. Hay covid. Magpaplano na ko mag-solo travel eh. Pero in God's will. 

So, ayan po ang major throwback natin. And sa tingin ko naman ang nagbago lang sakin ay katawan noh. Hahaha! Sa mukha? Hmm mukhang walang pinagbago haha. Na-realized ko lang na di pala ako palaayos sa sarili ko at masaya na ko sa shirt, shorts at jeans. At ngayong 25 years old na ko. Kung unti-untiin ko na ba maging babae haha baka kasi di ako nagkakajowa dahil di ako palaayos haha. Naku po! 

Tuesday, June 30, 2020

bagong phone

So ito na nga ang pinakahihintay ko. After a week dumating na ung order kong phone from shopee

Remember, last Sunday gusto ko na bumili ng phone kaya lang out of stock kaya naisipan ko na lang bumili online. Alanganin pa ko bumili kasi ang laki ng amount na ilalabas ko tapos baka mamaya ma-scam ako. Despite of all negatives na nangyayari sa mga courier like J and T na naghahagis ng packaging haha eh walang pumigil. Bumili pa rin ako phone after 3 years. Actually maiksi pa nga ung 3 years to maximize my used phone pero kasi sobrang outdated na siya though gumagana pa naman. 

And kanina maaga akong nagising kasi dumating na ung phone. Ine-expect ko mga bandang Wednesday ang dating pero wala eh dumating umaga! Hahaha lumabas akong bagong gising pero nagmumog naman ako. 

And now gamit ko na at natatanga ako alagi sa paggamit. Not a gamer pero gusto ko lang may upgrade sa phone tsaka napaglulumaan na ata ako lols. 

Sana magamit ko to hanggang 5 years..

Sunday, June 21, 2020

Very Wrong

Ito ang kuwento ko dapat kahapon. 3 years ago, first time kong bumili ng phone. yung cp ko kasi from high school to college ay minsan ay bigay at pinaglumaan na. so 3 years ago bumili ako ng android phone hakhak yung y5 ng huawei. okay pa naman yung phone na yun. actually good condition pa nga eh. kaya lang gusto ko na rin mag-upgrade feel ko kasi napag-iiwanan na ko hakhak.

kahapon, i decided na bumili ng phone. marami na rin ako napapanuod sa youtube ng mga phone reviews even blogs nagbabasa ako about sa bibilhin kong phone.

so ayun  na nga mayroon na kong natitipuhang cp hakhak 

pumunta kami ng trinoma para bumili ng phone, kasama ko si ate at si kulot (saling pusa) sad to say ubos ang stock (sa trinoma) medyo na-hype kasi yung mga bagong phone. Tapos pumunta naman kami ng sm north annex which is building na puro gadgets. Pumila pa kami para matignan ung stock sad to say wala na naman.

so wala kaming napala sa pagbili ng cp. 

bumili na lang kami ng wings para ulam pag-uwi tapos magta-taxi na lang kami. 

nag-taxi kami tapos nung nasa area na kami bigla akong bumaba tas biglang bumisina si manong taxi. ayun pala di pa pala kami nakakabayad.

akala ko kasi si ate ang magbabayad ng taxi pota di man lang ako sinabihan na ako pala ang magbabayad. very wrong talaga at nakakahiya haha tang ina.

so ang ending pagdating sa bahay, sisihan kaming magkakapatid. pero frend, tang ina nakakahiya hahaha 

so ang pagbili ko ng phone ay mukhang mauuwi sa pagbili sa shopee hays. 

Guess, I'm back

 After so many years, nakapagsulat pa ako. Buti naalala ko pa na may sarili akong blogspot haha.  Anyway, last 2021 pa pala ang last entry k...