Medyo natatamaan na naman ako ng anxiety at stress kasi wala si mama dito sa bahay so ako ang taga malengke at tagaluto. Buti na lang may tagahugas pero nakaka-stress at nakakapagod pala kasi may work pa kong kailangang tapusin tapos kapag pagod ka na di mo na magawa ung mga paper works mo. Gusto mo na lang matulog.
Kung ano-ano na naman naiisip ko. Nag-ooverthinking na naman ako. Nakakaisip na naman ako ng suicidal thoughts hays. Sana mayroong isang tao ung tatanungin ako kung okay ba talaga ako. Yung magkukwento ako na nakikinig lang siya, yung nasa tabi ko lang siya at dinadamayan ako. Yung makakatanggal ng stress at pagod ko. Sana mayroong isang tao na ipapadala ang Panginoon sa akin.
Sa ngayon, mukhang ang week na ito ang nakakapagod. Ramdam ko ang pagod ni mama. Ramdam ko ang pagod ng isang nanay. Parang ayoko na tuloy mag-asawa hahaha. Joke lang. So ayun lang naman ipa-pray natin ang mga bagay-bagay.
Nga pala, sana by this 2021 ay makapasok ako sa freelancing. Gusto ko talaga ng virtual jobs. Para may extra akong pagkakitaan bukod sa pagiging teacher ko. I'm praying for it. Sana gabayan ako ni Lord. 🙏🙏
January 6, 2020
8:39 pm