Sunday, October 11, 2020

Di ako marunong mag-organize

 Dahil na-survive ko ang 1st week ng online classes. Deserve ko naman magpahinga ng weekend di ba? Kaya lang ang dami ko pa lang chechekan ng mga modules. Until now, may mga naghahabol pa din.

Sunday ngayon at umuulan. Masarap lang matulog at humilata buong maghapon kasi malamig. Pero napipilitan akong kumilos kasi kailangan akong tapusin katulad ng paggawa ng script at pagchecheck. 

Madaling bagay ang mga ito pero hirap na hirap pa rin ako? Siguro dahil hindi ako marunong mag-organize? 

Nag-visit ako ng website ng todoist.com tapos nag-quiz ako kung anong todoist ang bagay sa akin. Ang lumabas ay Eat your Frog. Search mo na lang kung ano yon.

Ayun na nga, pinag-aralan ko kung ano yung eat your frog na 'yan. Madali lang pero ang hirap pa rin. Kasi madali akong magsawa at mabagal akong kumilos? Madali akong ma-distract like minu-minuto mag-ffb ako, mag-iig ako, mag-titwitter ako. Tapos minsan nagwiwindow shopping ako sa Shopee. Ang hirap.

Ano bang magandang way para maging productive ako? Mag-quit na lang kaya ako? Hehe. 

October 11, 2020

4:54 PM

Tuesday, October 6, 2020

The struggle is real

 Magandang gabi. Ang oras natin ngayon ay 10:14 ng gabi sa ika-6 ng Oktubre taong 2020. Medyo mahaba-haba ang blog na ito kasi nitong mga nakaraang buwan at linggo ay busy-busyhan ako. Tsaka tinatamad na ko magsulat ng blog dahil may bago akong pinagkakaabalahan. Ang pagdo-drowing. Hobby ko lang siya na gusto kong i-improve sa sarili ko kaya nagpa-practice ako ng sketching. Ang ending, pangit pa rin ang mga drowings ko. 

Okay back to the original title. So ito na nga, the struggle is real ika nga nila dahil medyo nahihirapan ako sa online classes ngayon. Kung matatandaan, dapat nung August 24 ang opening pero dahil sa hindi pa handa ang departamento ng Edukasyon ay iniurong sa October 5. Nagsimula na kahapon kaya nag-adjust na ko ng body clock kasi ang start ng klase ay 7 ng umaga. Ang siste, 2 oras sa umaga at 2 oras sa hapon. So 4 na oras ang screen time ng mga bata sa online classes. Isa sa mga pinapagamit na platforms ngayon ay ang Fb Messenger para lahat ng mga bata ay makasabay kasi ang Messenger ay pwedeng maka-access ng data kahit wala kang load basta may signal ka. Na-try ko na yan pero medyo mabagal kapag wala ka talaga ng data at all. Kaya ang ending magpapa-load pa rin ang bata. 

Ngayon naka-second day na ko sa online classes at very struggle kasi di naman ako nagsasalita dito sa bahay at ayaw ko rin naman magsalita dahil ang iingay ng mga tao dito. Kaya ngayon ang tanging nagsasalita sa pagkaklase ay yung mga tunog ng keyboard. Jusko nagiging keyboard warrior na 'ko. Sana naman mag-lift na ang covid at makabalik na sa dating normal.

Makakaya ko bang lagpasan ang school year na ito? Ngayon pa lang ay nangangapa na ko though blessed din naman ako kasi di ako binibigyan ng mga matrabaho katulad ng module writing or broadcasting atleast nagkaroon ako ng time sa sarili ko to grow up. 

Siguro naman kakayanin ko ang school year. Pangalawang araw pa lang naman di ba? Malay natin maging isang taon na heheheh

So ayun lamang sa blog na ito.

October 6, 2020

10:36 PM

Guess, I'm back

 After so many years, nakapagsulat pa ako. Buti naalala ko pa na may sarili akong blogspot haha.  Anyway, last 2021 pa pala ang last entry k...