Ngayong 2020 ay hindi naging maganda yung takbo ng pamumuhay ng karamihan sa atin dahil sa pandemya.
Noong January ay nakapagtala ang Pilipinas ng isang kaso ng covid dito. Chinese ito. Ang mga tao ay nabahala sapagkat nakapasok ang virus dito. Mga ilang Linggo, marahil mag-February na noon ay hindi pa nakakapagtala ulit ng panibagong kaso. Naging kampante ang mga tao sapagkat halos isang buwan na walang kaso. Sa mga nababasa kong comments sa mga post, kesyo tinatago raw ng gobyerno yung totoong bilang ng tinamaan ng nasabing sakit.
Hanggang sa 2nd week ng March ay nagkaroon ng unang kaso ng covid ang Pilipinas. Pilipino ito. At nagulat ang karamihan dahil baka kumalat na ang virus dito. Hanggang sa tumaas ng tumaas ang tinatamaan ng sakit.
Naalala ko nung 2nd Week ng March ay naghahanda na kami ng final periodical test ng mga bata, at dahil nga sa pandemya na ito, nagkansela na ng pasok. Isang Linggo. Tuwang-tuwa ang lola n'yo kasi nawawalan na ko ng motivation para pumasok atsaka mga puro paghahanda na lang sa graduation at kung ano-ano pa.
pero hindi pala naging maganda ito. bakit?
hindi na nagkaroon ng graduation ang mga mag-aaral.
dahil lockdown, ang mga nasa private sector na nagtatrabaho, nawalan ng pagkakakitaan
ang mga contractual workers nawalan din ng trabaho. at marami pa
ang taong ito ay hindi naging magandang taon para sa atin lahat pero mag-iiwan ito sa ating kasaysayan
back to the original title.
ever since nung mag-lockdown. March pa lang nag-work from home na ko kasi di na ko aasa pang maibabalik muli sa dating normal ang lahat. So bago mag-April ay tinapos ko na ung mga dapat tapusin maliban dun sa mga mag-aaral na walang pakialam sa kanilang pag-aaral.
pinangako ko sa sarili ko na dapat may mga bagay ako na kailangan kong gawin na hindi ko pa nagawa nung dating normal. pero hanggang ngayon, wala pa kong na-accomplished ni isa hakhak.
ano ba ung mga bagay na gusto ko gawin na di ko pa nagawa dati?
- matutong mag-drawing (frustration ko ang pagdo-drawing)
- matuto pa sa english language (balak ko kasi mag-extra after work example ay ung freelancing, esl teacher)
- tapusin ang free course sa tesda (entrepreneurship)
bakit ba wala pa ko na-aaccomplish ni isa sa mga ito?
una, gawaing bahay kahit paghuhugas lang ang ginagawa ko at paglalaba kapag schedule ko na
pangalawa, Kdrama. hindi ko titigilan hanggang hindi ko natatapos ang seryeng ito tapos panibagong panuorin na naman at same routine na naman hakhak
pangatlo, mas masarap pa magpahinga at mabilis akong tamarin sa mga trabaho ko. sobrang procrastination ko na ito. jusko.
hanggang sa June na ngayon ni isa wala pa ko na-aaccomplish. nag-start na rin kami mag-wfh para sa school year na ito. so kung ano-anong anek-anek ang ginagawa ko hopefully sana may matapos ako dun sa mga gusto ko talaga tapusin haha dagdag mo pa ung mga webinars.
mukhang di na naman ako magbabago hakhak
anyeong!