After so many years, nakapagsulat pa ako. Buti naalala ko pa na may sarili akong blogspot haha.
Anyway, last 2021 pa pala ang last entry ko. so I guess ito ung 1st entry ko ngayong 2023. Marami siguro akong malalagay dito kasi marami ring naganap sa akin sa loob ng 10 buwan.
November 2 nga pala ngayon at sa November 6 ang balik eskwela. Wala pa rin akong nagagawang trabaho kasi nakakatamad na. Nagbago na rin ang school head namin na toxic kasi panay bisita niya sa school. Kaya ayun ang lola mo, stress sa mga lesson plan etc na ayaw ko talaga gawin huhu.
since November na, isulat ko na lang ung mga happenings na nangyari sakin sa loob ng 10 buwan. Una noong february kasi 1st time kong umakyat sa Mt. Pulag! Niyaya lang ako nung pinsan ko na umuwi dito sa pinas para magbakasyon at sobrang amazed ako sa ganda ng Pulag, talagang binabalik-balikan ang lugar na ito. Maraming salamat sa magandang panahon na binigay noon kasi nakita ko ang sea of clouds at may clearing. Buti na lang hindi umulan non at sobrang lamig! Kailangan talaga ng padded jacket don.
Nung April naman, umattend ako ng fan meeting/concert ng running man. Sobrang saya ko nun kasi nakita ko personally ung mga rm members, sad lang kasi umalis na kwangsoo at mas lalo akong na-sad kasi si so min aalis na rin. well atleast bago siya nakaalis, nakita ko siya sa fan meeting.
Nakakaadik pala pumunta sa mga gantong event kasi once in a lifetime talaga sa buhay natin kahit na makikikanta lang tayo iba ung experience kapag nandun na ung artist. Tulad nyan, nagsisi ako bat di ako pumunta sa concert ni Bruno Mars at ng Twice. Bat kasi tayo pinanganak ng mahirap pero atleast malayo na dun sa nakasanayan at sa 10 years old self ko. Sa aking old self, sana proud ka at masaya ka kasi natupad na ung gusto mong manuod ng concert ng super junior at sa mga susunod pang mga concert na gusto mong puntahan.
May 2023, birthday month! wala naman naging masyadong naging ganap dito aside sa may pasok ako sa school nito at sinuprise ng mga estudyante ko, that's ordinary day for me. And thankful ako kasi nakarating ako sa age na to at sana more years to come pa!
and then months passed, June, July, August.. august balik school na agad with 1 month na pahinga, balak ko sana nung mga bakasyon ay mag-apply sa mga agency kasi gusto kong mag-abroad. di ko siya nagawa kasi tinamad ako? i dunno sa self ko kung nature ba ung pagiging tamad ko o may kasama na siyang psychological something.
sana maging good itong school year na to kasi ung mga students ko ngayon (advisory) ay medyo may pagkapasaway sana pumasa sila at makarating ng grade 12 huhuh.
tapos ngayong kakapasok ng novemeber, ngayong nagbabakasyon ako ng 1 linggo kasi eleksyon tas undas, dami kong ginawa kundi ang manuod ng kdrama at hindi mag-work haha
pero anyway, dami ko na namang naiisip these past few days kasi parang ang teaching nakakapagod na siya for me kasi ayoko na mag-uwi o magtrabaho sa bahay kapag uuwi na ko, gusto ko magpapahinga na lang ako ung ganun ba. and naiisip ko nga mag-abroad kasi as a single gusto kong may maipundar ako like gusto kong magkabahay, ayusin ung bahay namin ung ganun ba pero bat ganon nasastock ako sa current situation ko. walang usad ganun.
and my friends are getting married, pregnant, may lovelife and here i am, nagtatago sa bahay, ayaw lumabas.
is there any changes ba na mangyayari sa buhay ko pagkatapos ng year 2023? parang ako ang kumakahon sa sarili ako at ayoko lumabas sa sarili kong kahon.
anyway, tinatamad akong mag-check at gumawa ng grades.