Wednesday, December 30, 2020

Last Wednesday 2020 at Rizal Day

 Kamusta. Matagal na rin pala akong di nakakapagsulat sa aking blog. Busy-busyhan tapos ang dami ring nangyari sa akin noong nobyembre at ngayong disyembre ngayong taon.

Una, may nakilala ako sa tinder (dating app) na nagngangalangang Joshua Anthony Ninalga. Sa una, hindi talaga akong interasado sa kanya kasi ang gusto ko lang naman sa dating app ay makapag-usap ng mga random stranger. Pero hindi talaga lovelife ang hinahanap ko don. Hanggang sa kinulit ako na kuhanin ang fb account ko tapos nagsimula na kaming mag-chat all day. At first, sinabi ko sa sarili ko na isa siya sa mga i-goghost ko kasi minsan, wala talagang tumatagal sa akin. I mean di siya tatagal kasi yung ugali ko may pagkamasungit tapos minsan bastos pa ko makipag-usap. Hanggang sa nagyaya siyang makipag-meet. Siguro mga 2 days after naming mag-chat, niyayaya na niya ako. Tapos ako tumanggi ako kasi syempre nakakatakot makipag-meet baka kung ano ang gawin sakin. 

So nagtagal ang pag-uusap namin ng 2 weeks ata at sinabi ko na rin sa kaibigan ko kung ime-meet ko ba si Joshua. So, ayun nakipagkita ako sa kanya tapos ang damit ko pa non parang pambahay lang. Shorts at tshirt lang at sandugo sandals haha. Siguro para ma-testing ko rin kung magkakagusto ba sakin ung lalaki despite na ganon ang pananamit ko haha. Tapos hanggang sa nasundan pa ang pakikipag-date ko kay Joshua. 

Kung ako tatanungin, yes. May chance siyang maging jowa ko pero syempre wag tayong maging marupok haha. Baka kasi iwanan ako or i-ghost ako. Tignan natin after 3 months. Sa ngayon kasi nakaka-isang buwan pa lang kami at kinikilala pa rin namin ang isa't isa. Pero kung iiwanan man ako non, okay lang naman kasi kaya ko ulit bumalik sa pagiging single haha. 

Kaya lang kasi ang problema ko sa lalaking un, medyo may pagkamalibog at kung ano-ano ang pinopost sa kanyang fb account. Pero kapag nagkikita naman kami non, maayos naman kausap at okay siyang kasama. Naguguluhan pa rin ako, hehe pero ipinapasa-Diyos ko na sana bumalik na siya sa Panginoon at sabay sana kaming mag-worship sa Kanya. Sana dumating kami sa puntong iyon. 

Naghahanda na pala kami para sa pagsalubong ng 2021. Sana sa taong ito, makapag-ipon pa ko ng pera at magkaroon ng sariling negosyo kasi gustong-gusto ko na magka-negosyo. Syempre ung kalusugan wag natin kakalimutan kasi hanggang ngayon pandemic pa rin at mukhang wala naman balak ang gobyerno sa suliranin na ito. At sana sa darating na taon, ay makilala ko nang husto ang Panginoon at makilala si the One. :) 

Ayun lang naman sa blog na ito.


Ps: Sana sikapin ko makapag-post pa ng blogs parang ginagawa kong online diary ito eh hahaha 


Guess, I'm back

 After so many years, nakapagsulat pa ako. Buti naalala ko pa na may sarili akong blogspot haha.  Anyway, last 2021 pa pala ang last entry k...