Kahapon isang buwan na pala kami nung nagsimula kami ng online class. Biruin mo, naka-isang buwan na pala kami kaka-messenger classroom.
Share ko lang yung gusto kong gawin sa sarili ko pero sa tingin ko di ko na magagawa dahil sa procastination ko.
Sa mga nagdaang linggo, ang kinaaaliwan ko ung panunuod ko ng anime, so far ang pinakamaganda sakin ay yung wotakoi. Ang cute lang ng story, at the same time realistic kasi ung mga otaku, minsan napagkakamalang nerds kaya perfect ang anime na ito sa talagang otaku.
Speaking of that, dahil sa kakapanuod ng anime, parang na eencourage akong mag-youtube about sa pagrereview o reaction about anime. Di naman ako siguro after monetization pero for fun lang. Kaya lang kasi nakakapagod yung mag edit tapos video. Wala pa kong gamit.
Pero mukhang di na naman matutuloy yan dahil sa procastination ko ung pagdodrawing ko nga walang improvement eh paano pa ung pagyoyoutube ko.
Anyway, nawala na sa puso ko ung kdrama, masyadong hype ang lahat sa mga bagong labas. Siguro kapag kumalma na sila tsaka ulit ako manunuod.
Lapit na pala ang Christmas and still may virus pa rin
November 6 2020
9:56 pm